Sa mga pangyayari sa mundo, maraming tao ay naghihirap na makamit ang kanilang pangarap. Ngunit, sa gitna ng kanilang paglalakbay ay madalas may mga suliranin at sa ingles kung tawagin ito ay "obstacles in the path", at kadalasan rin ay hindi nila ito nadadaanan. At ang resulta nito ay maraming taong natatapos ang buhay sa mundong ito ng hindi nakakamit ang kanilang pangarap. Dahil dito ay malungkot ang buhay nila. Sinisisi nila ang Diyos sa huli sapagkat hindi nila ito nakamit.
Ngunit ang hindi nila naintindihan ay ang Diyos mismo ang tumutulong sa isang tao na maabot ang kanilang pangarap. At ang bagay na ang dahilan ng kanilang pagkatalo at hindi makuha ang pangarap ay ang puso nila.
Sa gitna ng kanilang paglalakbay ay madalas na may problemang nakakasalubong.